Hindi na kinakailangang bumisita sa mga opisina ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga bagong empleyado upang i-verify ang kanilang Taxpayer Identification Number (TIN).
Sa isang memorandum circular, sinabi ng BIR sa mga employer na maaari nilang i-verify ang TIN ng kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng Online Registration and Update System (ORUS).
Tiniyak nito na ang resulta ng pag-verify na ipinapakita ng ORUS o Revie ay itinuturing na sapat para sa mga layunin ng pag-verify.
Ayon sa ahensya, ang kanilang mga Revenue District Offices (RDOs) ay hindi mag-accommodate sa mga empleyadong gustong kumuha ang kanilang TIN verification slip, maliban sa mga sumusunod na dahilan.
.-Kung ang online TIN Verification facility ay hindi available o kung mayroong prompt message na kailangan bumisita sa RDO
-Kung may pangangailangan ang BIR personnel na higit pang i verify ang kawastuhan ng taxpayer registration information
– Kung ang tax payer ay may existing TIN or record o kaya naman ay ang pagkakaroon ng multiple or identical TINs.
Sa kabilang banda, ipinatupad na rin ng BIR ang Digital Taxpayer Identification Number (DTIN).
Ito ay para maiwasan ang mahabang pila sa kanilang mga opisina at maiwasan din na magkaroon ng invalid o pekeng TIN.
Pinaalalahanan din ng BIR na ang DTIN ID ay libre at hindi ibinebenta.
Para maka-avail ng DTIN, sinabi ng BIR na kailangang i-update ng mgatax payers ang kanilang email address sa Revenue District Office kung saan sila nakarehistro.
Ang mga tax payers ay kinakailangan ding magsagawa at magsumite ng Form S1905 – Registration Update Sheet sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa kanilang mga kinauukulang RDO o sa pamamagitan ng eServices-Taxpayer Registration Related Application Portal ng BIR.
Inaatasan ng bureau ang mga nagbabayad ng buwis na mag-upload ng larawan para sa digital TIN ID; ito ay dapat na malinaw, naaangkop, at kamakailang mga larawan na katulad ng indibidwal na tumpak.