-- Advertisements --
sen francis tolentino

Nanawagan si Senador Francis Tolentino sa mga bagong halal na barangay Chairman na huwag palitan ang mga nakatalagang barangay health workers (BHW) sa kanilang lugar.

Hiling ito ni Tolentino sa katatapos lamang na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na ginanap noong Lunes, Oktubre 30.

Katwiran ng Senador, huwag na sanang palitan ng mga uupong barangay captain ang mga kasalukuyang barangay health workers dahil taglay ng mga ito ang malawak na karanasan.

Giit pa ng mambabatas, ito ay pagpapakita ng continuity sa health services at pagaalok ng pagkakaisa sa buong barangay.

Aniya pa, ang mga barangay health workers ang itinuturing na bayani ng COVID-19 pandemic kaya ang kanilang karanasan ay mahirap mapantayan.

Sakali man na papalitan ang mga barangay health workers, nakiusap si Tolentino na sana ay mahaba ang transition period para mayroon namang sapat na pagsasanay na ibibigay sa mga papalit na BHW.