Isinusulong ngayon ng mga bagong halal na opisyal ng Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles (TFOEPE) ang mas matatag na samahan at ugnayan sa Pamahalaan matapos ang isinagawang eleksyon sa Las Piñas City.
Kung saan dinaluhan nga ito ng nasa mahigit matataas na opisyal ng grupo mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Nakakuha ng 1,042 na boto si Fraternal Order of Eagles President-elect Eagle Ronald Delos Santos na pinakamataas na boto na s’yang magsisilbing ika-38 na Pangulo ng Philippine Eagles.
Si Delos Santos ang nagpalakas ng unification, organizational restructuring, transparency at general appropriations act, enhanced digitization, website, at portal, eagles cooperative, global xxpansion of membership, at strong partnership with the government at non-governmental organization.
Ayon kay Delos Santos, ipagpapatuloy umano niya ang nasimulan ni outgoing President Nelson Sarapuddin, at tutulong sa poverty alleviation program ng gobyerno at lalo pang pagbubutihin para matugunan at maiayos ang nasabing proyekto.
Ang mga bagong halal na opisyal ay sina Executive National Vice President elect Eagle Jason Masa; Vice President for Luzon elect Eagle Agaton Javier; Vice President for Visayas elect Eagle Arnold de Asis; Vice President elect for Mindanao Eagle Soliven Teo; at ang Board of Trustees na sina Eagle Ronnie Aquino, Eagle Emilio Ramon “ER” Ejercito, Eagle Boy “JM” Llames, at Eagle Yuri Tulawe.
Samantala, nakiisa rin sa nasabing halalan sina Senator Cynthia Villar, Senator Ramon “Bong” Revilla, Senator Francis Tolentino, Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, Sentor JV Ejercito, at Usec. Epimaco Densing III, na nagpakita ng suporta para sa mga bagong halal at sa kanilang adhikain na makatulong sa mamamayang Pilipino.