-- Advertisements --

philarmy1

Hindi muna gagamitin sa mga combat mission ng Philippine Army ang kanilang tatlong helicopters na bago sa kanilang inventory.

Ayon kay Philippine Army chief Lt.Gen. Cirilito Sobejana, ang kanilang tatlong bagong choppers ay gagamitin muna sa pagsasanay ng kanilang mga piloto para sa kanilang “future operation.”

Sinabi ni Sobejana, maaari namang gamitin ang nasabing mga helicopter sa humanitarian mission lalo na mga kalamidad lalo na sa panahon ng bagyo.

Ayon sa heneral, nagsasanay ngayon ang kanilang mga piloto sa paglipad ng kanilang bagong helicopter hanggang sa mahasa ang mga ito.

Umaasa si Sobejana na madagdagan pa ang kanilang mga helicopter.

Ang pagkakaroon ng air assets ng Philippine Army ay bahagi ng kanilang modernization program.

philarmy3

Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay si Gen. Sobejana sa mga sundalong nasawi sa chopper crash.

Siniguro rin ng heneral ang karampatang tulong na kanilang ibibigay para sa mga kaanak ng mga nasabing sundalo lalo na duon sa isang miyembro ng Philippine Army at dalawang Civilian Active Auxilliary.