Nagbukas ng karagdagang mga pop up stores ng Kadiwa ng Pangulo ang Department of Agriculture (DA) sa ilang bahagi ng kalakhang Maynila.
Ang mga kiosk ay agad na binisita ni DA Assistant Sceretary for Agribusiness, Marketing and Consumer Affairs at Kadiw ng Pangulo Program Head Atty. Genevieve Velicaria-Guevarra upang pasinayanan din ang pagbubukas nito sa publiko.
Ayon sa ahensya, ang mga kiosk at pop uo stores ay regular nang magbubukas tuwing Biyernes na siyang uumpisahan sa susunod na linggo, Abril 11.
Samantala, hinikayat naman ng departamento ang mga mamimili na tangkilikin ang mga produktong ibinebenta rito na nasa mas murang halaga kumpara sa mga pamilihan.
Sa ngayon ay target pa rin ng ahensya sa pangunguna ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na makapaglagay ng 1500 na Kadiwa stores sa buong bansa bago pa man matapos ang termino ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr.