-- Advertisements --

DAVO CITY – Nagpapasalamat ang Department of Environment and Natural Resources Region 11 (DENR-11) dahil marami pang klase ng mga ibon ang nadiskobre sa Mt. Apo kasabay ng ipinatupad na “Off Season” o temporaryong pagsasara nito sa mga climbers sa loob ng tatlong buwan.

Nabatid na una ng nakapatala ang ahensiya ng 46 avian species at 26 sa mga ito ang endemic ng Pilipinas habang apat ang ikinokonsiderang malapit nang maubos ang kanilang mga lahi.

Sinasabing nadiskubre ito sa Mt. Apo kasabay sa isinagawang Biodiversity Monitoring System (BMS) activity.

Kinilala ang nasabing mga ibon na Mindanao Lorikeet, Mindanao Jungle Flycatcher, Apo Sunbird at Grey-hooded Sunbird.

Ginasabing mababa na lamang ang bilang ng nasabing mga species dahilan na mas hinigpita pa ngayon ng DENR ang mga hakbang para lamang ma-protektahan ang mga species nito.

Una ng inihayag ni DENR-11 Information Officer Jayvee Agas na nakatulong ang “off season” dahil maliban sa proteksiyon ito ng mga hayop, mapangangalagaan rin ang mga pananim sa lugar.

Kung maalala, una ng nasunog ang Mt. Apo ilang taon na ang nakakaraan dahilan na temporaryo itong isinara sa publiko.