-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagpaabot ng kanyang pagbati si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa mga bagong opisyales ng Cotabato League of Indigenous People Mandatory Representatives (CLIPMR) na inihalal kasabay ng pagpupulong ng lahat ng municipal at barangay IPMRs sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan.

Ipinaabot ni Mendoza ang pagbati matapos matanggap ang certified na talaan ng

mga bagong halal na opisyal ng CLIPMR mula sa National Commission on Indigenous Peoples Cotabato Provincial Office.

Ayon kay Gov. Mendoza ang pag organisa sa lahat ng mga mandatory representatives ng tribu sa buong probinsya ay makakatulong na matugunan ang pangangailangan ng mga katutubo sa pamamagitan ng konsultasyon at dayalogo sa kanilang representante.