-- Advertisements --
Ipinasilip na Bases Conversion and Development Authority ang kumpanyang gumawa ng mga pasilidad sa New Clark City sa Tarlac para sa ika-30 Southeast Asian Games.
Ayon sa pangulo ng kumpanya na si Vince Dizon, mula sa lambat ng mangingisda ng Central Luzon ang disenyo ng aquatic stadium.
Mayroon 50 metrong warm-up pool at diving platform ang stadium na may 2,000 seating capacity.
Mayroon namang 20,000 capacity track stadium at dito gaganapin ang mga athletics events.
Masusubukan ang nasabing pasilidad ngayong araw sa pagsisimula ng National Open.