-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Hindi pa nakakapasok sa Cotabato City ang mga kinakatakutang bagong variant ng Coronavirus.

Ito ang kinumpirma ni City Health officer Doctor Meyasser Patadon tulad ng UK at South African variant.

Sinabi ni Dr Patadon na lahat ng nagpositibo ngayon sa covid 19 ay ipinadala sa Genome Center sa Maynila ang kanilang result para masuri kung ito bay bagong variant.

Lahat anya ng resulta ng mga pasyente ay negatibo sa UK at South African variant ng coronavirus.

Mahigpit ang pagbabantay ng mga kawani ng City Health sa Awang airport sa mga pauwi ng Cotabato City na nagmula sa Luzon at Visayas na kailangan may RT-PCR result na negative bago makapasok.

Sa ngayon ay merong 39 na aktibong kaso ng covid 19 sa syudad ng Cotabato.