Malaking tulong sa operasyon ng Philippine Army ang kanilang mga bagong war fighting equipments lalo na sa pakikipaglaban sa mga local terrorist group gaya ng Maute-ISIS terror group, ASG, BIFF kasama ang Communist terrorist group na New Peoples Army (NPA).
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Lt. Col. Louie Villanueva, dahil sa mga bagong war fighting equipment naging matagupay ang kanilang operasyon laban sa NPA at sa mga local terrorists group na nag-ooperate sa bansa.
Patunay dito ang mga matagumpay na operasyon, gaya ng mataas na bilang ng mga sumusukong NPA at ASG at ang matagumpay na pag liberate sa Marawi.
Binigyang-diin ni Villanueva na bago na ngayon ang mga rifle ng mga sundalo at maging ang kanilang mga bala.
Tinututukan din ngayon ng liderato ng Philippine Army ang procurement ng mga force protection gear para sa mga sundalo ng sa gayon ma proteksiyunan ang mga ito habang nakikipaglaban sa mga kalaban.
Kabilang sa mga malalaking proyekto na inaasahan ng Philippine Army ay ang mga bagong sasakyan o ang kanilang tinatawag na mobility upgrade at ang kanilang communication signal project na malaking tulong lalo na kapag may nagaganap na labanan.
Sinabi ni Villanueva nasa high morale ngayon ang mga sundalo dahil sa tumaas na ang kanilang sahod at patuloy din sa upgrade ang kanilang mga kagamitan.
Samantala, nadadagdagan pa ngayon ng tatlong bagong batalyon ang Philippine Army at kasalukuyang deployed na ito ngayon sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Layon ng pagbuo at pag-activate ng tatlong bagong batalyon ng Philippine Army ay para matugunan ang kakulangan ng pwersa sa iba pang lugar sa bansa lalo na ngayon nakatutok ang AFP sa operasyon laban sa NPA at mga teroristang grupo.
Ongoing din sa ngayon ang recruitment ng Phil Army, sa katunayan nasa 700 ang quota ngayon para sa mga college graduate na mga indibidwal na gusto maging opisyal ng Army.