Hinimok ni outgoing Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mga baguhang Senador na mag-aral.
Una, kailangan aniya na makabuo ng respeto ang mga ito sa kanilang kasamahan at pangalawa sa publiko.
Kailangan aniya sa Senado na mayroong kaalaman pagdating sa mga isyu sa iba’t ibang larangan upang makalahok at makapag-ambag sa pagbuo ng mga polisiya.
Sa katunayan ay wala naman aniyang masama sa pag-aaral at pagkuha ng advice mula sa mga eksperto mula sa field.
Inalala din ni Senator Drilon ang kaniyang past experience bilang miyembro ng executive branch sa loob ng 9 taon.
Ani drilon nag-aral din siya sa mga tradisyon ng institusyon ng demokrasiaya na tinatawag na Senate.
Iginiit din nito na ang isang never-ending process ang pag-aaral.
Nagbigay din ng payo si Drilon kay incoming Sen. Robin Padilla na mag-aral ng mabuti kasabay ng pagnanais nito na pamunuan ang Senate Committee on Constitutional Amendment and Revision of Codes and Laws dahil nangangailangan aniya ng legal knowledge ito at dapat na may karanasan sa institusyon ang Senador na hahawak dito.