-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Pinayuhan ng pamahalaan ng Lebanon ang mga may-ari ng bahay na huwag munang magbukas ng bintana matapos ang malakas na pagsabog kahapon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Jesiebelle Jardinazo, OFW sa Lebanon at tubong lalawigan ng Isabela na sinabi ng kanyang amo na isarado palagi ang kanilang bintana batay sa kautusan ng mga otoridad sa Beirut.

Ito ay dahil maituturing na poisonous ang usok na galing sa sumabog.

Bagamat wala na ang usok ay maaamoy pa rin ang ammonium nitrate.

Sinabi pa ni Jardinazo na natakot siya sa naganap na pagsabog sa nasabing bansa.