-- Advertisements --
Morning in Boracay (photo from @Shyla Francisco)

KALIBO, Aklan – Dahil sa pagbuhos ng mga turista sa isla ng Boracay at iba pang tourist destinations ngayong bakasyon, pinayuhan ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ang mga beachgoers na iwasan ang paggamit ng mga party drugs.

Ayon kay P/Cpt. Marc Dado, maaari umanong malagay sa kapahamakan ang kalusugan at kaligtasan ng gumagamit ng naturang droga.

Karamihan umano sa mga biktima ng party drugs ay mga kabataan na sinasamantala ng mga drug pushers.

Noong Marso 25, nakumpiska sa isang disc jockey sa isang disco bar ang cocaine at shabu sa isinagawang buy-bust operation sa isla ng Boracay.

Kasunod nito, isa pang DJ sa Boracay ang nahuli sa isang buy-bust operation naman sa Numancia, Aklan, kung saan, nakuha sa kanya ang bulto-bulto ng shabu na nagkakahalaga ng nasa P300,000.