CENTRAL MINDANAO-Labag sa batas ng Islam kaya kinalbo ang mga bakla at Tomboy sa bayan ng Ampatuan Maguindanao.
Kabilang sa mga kinalbo ang mga babaeng nakipagrelasyon sa kapwa babae at mga lalaking nakipagrelasyon sa kapwa nila lalaki.
Ayon sa isang opisyal na matagal na nilang ipinagbabawal ang ganitong gawain ng mga kabataan na labag sa batas ng Islam.
Unang sinabi ni Ustadz Saguir Sangki Salindab noong nakalipas na Holy Month of Ramadhan na ang mga bakla at tomboy ay karma na siyang dahilan ng trahedya sa bayan.
Ito ay base na rin sa nakasaad sa banal na Qur-an noong Panahon ni Propeta Luth Alaihis Salam na di nya nakontrol ang kanyang pinamumunuan na nakikipag relasyon sa kaparehong kasarian kasama na ang kanyang asawa.
Hanggang sa bumaliktad ang kalupaan at pagkamatay ng dagat noong kapanahunan ni propeta Salam kung saan andiyan parin sa bansang arabo ang nasabing dagat.
Siniguro ng Opisyal na tanging anak ng Bangsamoro ang sasampulan nila.
Inihahalintulad nya ito sa COVID 19 Virus ang mga bakla, hindi nanganganak pero dumarami.
Ang pagkalbo sa mga bakla at tomboy ay umani ng samot saring reaksyon sa mga nitizen.
Mismong si Maguindanao 2nd District Board Member King Jazzer Mangudadatu ang hindi sang-ayon sa pagkalbo,dapat sana pinangaralan kung anu ang tama at mali.
Bagkus mas mabuti pang bigyan sila nang tsansa na magbago tulad nang pagbibigay sa kanila nang tandong, abaya at Pagpapadala sa kanila sa mga madrasa upang malaman nila ang tama at mali sa islam.
Dagdag ni Mangudadatu na hindi magnanakaw o mamamatay tao o sira ulo ang mga bakla at tomboy upang parusahan nang ganito.
Minungkahi ni Mangudadatu na magsagawa ng preaching o pangangaral hinggil sa Islam para maiintindihan ng mga kabataan ang tamang utos ni Allah.