-- Advertisements --

Dumipensa ang National Task Force Against COVID-19 at Department of Health (DOH) hinggil sa usapin nang pagkasayang ng nasa 27 million doses ng mga COVID-19 vaccines na mae-expire na sa July.

Sa isang joint statement, nilinaw ng NTF at DOH na karamihan sa mga bakuna laban sa nasabing virus ay idinonate sa Pilipinas o di kaya’y binili ng mga LGU at private sectors.

Ayon sa dalawang sangay ng pamahalaan, nasa dalawang porsyento lamang ng government procured na COVID-19 vaccines ang masasayang kung sakaling abutan ito ng expiration, at ang tanging ang supply chain efficiencis oo pagkakamali sa administrasyon ng doses ang dahilan nito.

Higit daw itong mababa sa sampung porsyento ng indicative wastage rate ng World Health Organization (WHO) sa pagpaplano ng at pagtataya ng pangangailangan sa supply ng bakuna.

Sa ngayon ay nakikipagtulungan na ang DOH at NTF sa mga manufacturers ng nasabing bakuna upang pahabain pa ang shelf life nito batay sa updated scientific data tulad nang stability studies upang maiwasan na ang ganitong mga pangyayari sa mga susunod na taon.

Plano rin nila na patindihin o baguhin ang mga hakbang na kanilang isinasagawa upang mapalawig pa ang saklaw ng primary series at booster doses.

Handa rin na magdonate ng mga labis na bakuna ang Pilipinas kung kinakailangan bilang isang international act of goodwill na rin.