Dahil sa patuloy na paglobo ng mga kaso ng mpox o monkeypox sa bansang Africa, doon muna ibubuhos ng World Health Organization ang bulto ng mga bakuna laban sa naturang virus.
Ito ang kinumpirma ng Department of Health matapos na makipag meeting sa mga kinatawan ng World Health Organization.
Nakipagpulong rin aniya ang ahensya sa mga health expert hinggil sa naturang sakit.
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, napagkasunduan ng maraming bansa na sa ngayon ay ituon muna sa Africa ang distribusyon ng bakuna laban sa mpox.
Layon nito na hindi na ito kumalat pa sa mga karatig na bansa.
Batay sa datos ng DOH, umabot na ngayon sa 12 ang kaso ng mpox matapos na maitala ang dalawang bagong kaso nito sa Metro Manila.
Sa kabila nito ay tiniyak ng ahensya na nagpapareserba pa rin ang Pilipinas ng naturang vaccine laban sa mpox.