-- Advertisements --
Maari na ilagay sa isang refrigerator sa ilang buwan ang Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine.
Ayon sa US Food and Drug Administration na ang desisyon ay base sa isinagawang pag-aaral at datus na isinumite ng Pfizer.
Ang nasabing mga vials aniya ay maaaring ilagay sa refrigerator na mayroong temperatura na 2 hanggang 8 degrees Celcius ng hanggang isang buwan.
Noong unang inilabas kasi ang nasabing bakuna ay maaari lamang ito ilagay sa nabanggit na temperatura sa loob lamang ng limang buwan.
Sinabi ni Peter Marks ang director ng Food and Drugs Administration Center for Biologics Evaluation and Research na dahil sa nasabing pagbabago ay maaari na itong mabili ng maraming bansa.