-- Advertisements --

Nananatiling epektibo laban sa posibleng bagong coronavirus variant na iniuugnay sa mas nakakahawang Omicron ang mga COVID-19 vaccines na itinuturok hanggang sa ngayon dito sa Pilipinas, ayon sa infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante.

Subalit sa kabila nito ay mariing pinag-iingat ni Solante ang publiko lalo na at sinabi ng World Health Organization (WHO) na ang XE recombinant ay 10 percent na mas nakakahawa kaysa BA.2 sub-variants ng Omicron.

Mababatid na bukod sa Thailand, sinabi ni Solante na na mayroong mahigit 600 pang kaso ng XE recombinant sa United Kingdom, pero sa mga tinamaan nito nabatid na mild symptoms ang kanilang tinamo.

Iginiit din niya na masyado pang maaga para mag-rekomenda ng border control sa United Kingdom at Thailand gayong kailangan pang bantayan ang Omicron XE.

Noong Lunes, sinabi ng Department of Health (DOH) na mayroon silang constant coordiation sa WHO tungkol sa Omicron XE habang patuloy ding binabantayan ang trends katuwang ang Philippine Genome Center.