Tinanggihan ng mga mahihirap na bansa noong nakaraang buwan ang higit sa 100 milyong doses ng mga bakunang COVID-19 na ipinamahagi ng pandaigdigang programang COVAX.
Pangunahing dahilan nito ay ang kanilang mabilis na petsa ng pag-expire ayon sa isang opisyal ng UNICEF.
Ang malaking bilang ay nagpapakita ng mga kahirapan ng pagbabakuna sa mundo sa kabila ng dumaraming mga supply ng mga shot.
Malapit na ng maabot ng COVAX ang delivery ng 1 bilyong doses ng bakuna sa kabuuang halos 150 bansa.
Sinabi ni Etleva Kadilli, director ng Supply Division sa UN agency UNICEF na napilitan din ang mga mahihirap na bansa na ipagpaliban ang mga supply dahil wala silang sapat na mga pasilidad sa imbakan.
Maraming mga bansa ang nahaharap din sa mataas na antas ng vaccine hesitancy at may labis na pasanin sa mga sistema ng pangangalagang pangkalusugan.
Hindi kaagad tumugon ang UNICEF sa isang query tungkol sa kung gaano karaming mga dosis ang tinanggihan sa ngayon sa kabuuan.
Marami pang iba ang nakaimbak na naghihintay na magamit sa mas mahihirap na bansa.