-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy ang pagresponde ng mga tauhan ng City Social Welfare and Development o CSWD-Butuan sa pangangailangan ng mga nabahaang residente nitong lungsod lalo na yaong nasa mga evacuation centers.

Ayon kay department spokesperson John Michael Acuzar, umaabot na sa 22 mga barangay ang nabahaan kung kaya’t ang mga apektadong residente ay nasa 36 mga evacuation centers sa ngayon.

Ayon sa opisyal, kahit dalawang araw nang hindi nakaranas ng pag-ulan ang lungsod, ay patuloy pa ring dumarami ang mga internally displaced persons o mga bakwit dahil dumating na sa catch basin ng Agusan River nitong lungsod, ang tubig-baha na mula sa Davao Region at Agusan del Sur.

Sa ngayo’y na sa 2,958 mga pamilya ang apektado ng kalamidad na nabigyan na nila ng mga ayuda.