-- Advertisements --

Cauayan City- Pagkasira ng kanilang pangkabuhayan at mga tahanan ang pangunahin sa mga hinaing ng mga residenteng isinailalim sa mental psycho social support ng Department of Health o DOH region 2 sa bayan ng Mabini at Lipa Batangas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Lexter Guzman tagapagsalita ng DOH region 2 sinabi niya na karamihan sa mga evacuees ay nakakaranas ng trauma at mission ng DOH region 2 na maibsan ito.

Aniya nahati ang team ng DOH region 2 na binubuo ng 36 na staff sa dalawa upang magbigay ng serbisyong medikal sa Mabini at Lipa Batangas.

Pangunahin sa layunin ng DOH region 2 sa pagsasagawa ng stress debriefing sa mga bakwit ay upang maipalabas ang mga hinaing at mga dinaramdam nila dahil sa kasalukuyang umiiral na kalamidad sa Lalawigan ng Batangas.

Maliban naman sa mental psycho social support ay nagsagawa rin sila ng medical mission,water sanitation, health education activities, surveillance o monitoring ng mga sakit na nakukuha sa evacuation center.

Sa kabila nito ay tiniyak naman ng DOH region 2 na nasa maayos na kalagayan ang mga bakwit sa mga evacuation centers na kanilang tinungo pangunahin na ang mga buntis dahil may mga itinalagang health corner sa bawat evacuation center upang mabantayan at masubaybayan ang kalusugan ng mga evacuaees.