-- Advertisements --

Natapos na ng National Printing Office ang paglilimbag ng mahigit na 92 milyong balota na gagamitin sa papalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon sa COMELEC na mayroong kabuuang 92,054,974 ang natapos ng naimprintang balota na gagamitin sa halalan.

Ipinasakamay na ng NPO sa Comelec ang certification of completion para sa pag-imprinta ng mga balota at mga accountable forms.

Noong Marso ay natapos ng NPO ang pag-imprinta ng mahigit 90 milyon at nagdagdag ng mahigit 1.6 milyon na balota dahil sa mga bagong rehistradong balot mula Disyembre 12, 2022 hanggang Enero 31, 2023.

Kasama ring naimprinta ang 2,092,147 na official ballots para sa plebisito para ratipikahan ang conversion ng San Jose Del Monte City , Bulacan bilang highly-urbanized City.