-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nananatiling ‘undocumented’ ang mga bangkay na nakita sa viral video na nagkumpulan sa loob ng crematory sa Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Fely Abecia, may-ari ng Gegato-Abecia Funeral Homes Inc. And Crematory, sinabi nito na wala pa ring pagkakilanlan ang nasabing mga bangkay na namatay sa COVID-19 dahil basta na lang umanong iniwan ang mga ito na walang ginagawang koordinasyon.

Anya, hinatid lang ng pribadong ambulansya ang mga bangkay na nagmula sa Aklan.

Sa ngayon, patuloy pa na inaalam kung sin-o ang pasimuno sa pag-iwan ng nasabing mga bangkay.