-- Advertisements --

Inilabas na ng PNP Crime Laboratory ang resulta sa isinagawang DNA testing sa tatlong bangkay na nakita sa loob ng sunog na sasakyan sa Tiaong, Quezon noong Enero 9.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Bernard Banac, base sa DNA result kumpirmado na ang mga sunog na bangkay ay kina dating Batangas Rep. Edgar Mendoza, driver nito na si Ruel Ruiz at bodyguard na si Nicanor Mendoza.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga imbestigador, legal dispute ang posibleng motibo sa insidente.

Hawak na rin sa ngayon ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang limang suspeks kabilang na ang mastermind.

Una ng kinumpirma ni PNP-CIDG Director BGen. Joel Napoleon Coronel na hawak na nila ang mga suspek na nasa likod ng insidente.