-- Advertisements --
image 361

Nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian sa Bangko Sentral ng Pilipinas na paalalahanan ang mga bangko na tumalima sa Philippine Identification System Act para tanggapin ang national ID bilang sapat na katibayan ng pagkakakilanlan para sa financial transactions.

Ginawa ni Sen. Gatchalian na siyang tumatayong chairman ng Senate Ways and Means Committee sa gitna ng patuloy na natatanggap na reklamo kung saan ilang mga bangko ang umano’y tumatangging kilalanin ang national ID bilang proof of identity dahil hindi umano naka-display dito ang lagda ng isang indibidwal sa naturang card.

Inihayag din ng Senador na ang anumang bangko na tumangging kilalanin ang national id ay pagmumultahin ng kalahating milyon.

Iginiit pa ng Senador na layunin ng national ID na gawing simple ang pakikipag-transaksiyon ng publiko sa mga public at private institutions.

Kayat marapat aniya na siyasatin ng BSP ang naturang isyu at tiyaking lahat ng financial institutions lalo na ang Landbank at Development Bank of the Philippines na tumalima sa batas.