-- Advertisements --
Tiniyak ng Bagko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagkakaroon ng financial system para sa mga Persons with Disability (PWD).
Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na naglabas ang BSP ng regulasyon na sumusunod sa batas para sa mga may kapansanan at sa mga may edad na.
Ang nasabing mga hakbang ay para magkaroon ng financial products at services na mas abot-kaya sa mga PWD.
Maging ang mga bangko at ilang mga financial institutions ay kanilang hinikayat na iwasan ang diskriminasyon sa mga may kapansanan at mga may edad.
Tuloy-tuloy din ang kanilang pagkikipag-ugnayan sa National Council on Disability Affairs (NCDA).