DAGUPAN CITY – Todo pag-aalaga at pag-iingat ng mga bangus growers sa lungsod ng Dagupan sa kanilang mga alagang isda ngayong nararanasan na ang pag-ulan.
Sa ngayon ay malilit pa ang mga alagang bangus sa mga fishcages sa lungsod kaya hindi pa maaaring magsagawa ng force harvest kaya ang kanilang ginagawang paraan ay ang pagpapataas ng mga nets.
Itinataas ang mga nets para maprotektahan ang mga alagang bangus para hindi makawala ang mga ito at maiwasan ang pagkalugi ng mga bangus grower.
Napag-alaman na buwan ng Mayo nang magsimulang maglagay ng mga fingerlings ang mga bangus grower sa mga fishcages.
Ayon sa City Agriculture Office, sa buwan ng Setyembre pa aanihin ang 90 percent ng mga alagang bangus sa lungsod.
Sa ngayon ay nanatiling mababa ang presyo ng bangus na nasa P100 hanggang P120 ang kada kilo.