-- Advertisements --
Mas lalong palakasin pa ng mga bansa ang kanilang carbon-cutting targets hanggang sa katapusan ng 2022.
Ito ang isa sa laman ng draft agreement na sa COP26 Glasgow climate summit.
Nakasaad din sa dokumento na dapat humingi na ng tulong ang mga mahihinang bansa na hindi kayang labanan ang matinding epekto ng global warming.
Nagkasundo rin ang mga ito na dapat ang mga bansa ay magsumite ng pangmatagalang istratehiya para maabot ang net-zero hanggang sa katapusan ng taon.
Maraming mga kritiko ang nagsabi na ang nasabing draft ay tila walang patutunguhan.
Sinabi naman ni COP26 President Alok Sharma na ang kasunduan ay para na rin sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.