-- Advertisements --

Dumami pa ang mga bansang nagsuspendi ng kanilang pagbibigay pondo sa United Nations Relief and Works Agency for Palestinian Refugees.

Kasunod ito sa alegasyon na mayroong ilang staff members nila ang sangkot sa pag-atake ng Hamas sa Israel noong Oktubre 7.

Pinakahuling nagsuspendi ay ang France kung saan nasa $65 milyon ang naibigay nitong pondo sa ahensiya noong 2023.

Magdedesisyon pa lamang sila kung kailan nila maibabalik ang nasabing pondo.

Magugunitang unang nagsuspendi ng pagpondo ay ang US, Germany, Canada, Italy, United Kingdom, Netherlands, Switzerland, Australia at Finland.