-- Advertisements --
image 288

Patuloy ang pagbuhos ng alok na tulong ng mga bansa sa buong mundo para sa Morocco kasunod ng tumamang malakas na lindol noong gabi ng Biyernes na ikinasawi na ng mahigit 2,100 katao.

Kabilang dito ang Spain na nagpadala na nitong linggo ng 86 na military rescuers at 8 search dogs sa Morocco matapos makatanggap ng formal request mula sa Rabat para tumulong.

Ang Qatar magpapadala din ng rescue team habang dumating na sa Morocco ang grupo ng mga volunteer firefighters mula France at handang mgbigay ng kakailanganing tulong sakaling hilingin ng Morocco.

Sinabi din ng United states na nakahanda itong magbigay ng tulong kabilang ang search at rescue teams at handang maglabas ng pondo para matulungan ang Moroccans na makarekober mula sa malagim na trahediya.

Nag-alok na din ang Switzerland na magbibigay ng temporary shelters , water treatment and distribution equipment, sanitation facilities at hygiene kits.

Nag-alok naman ang Belgium ng tulong kabilang ang pagdedeploy ng kanilang medical temas at fied hospitals.

Handa ring tumulong ang Iataly sa pamamagitan ng civil protection agency nito at fire service habang ang Italian Catholic church ay nagpadala na ng $321,400 sa pamamagitan ng NGO Caritas Italy.

Ang Turkiye naman na nakaranas din ng malakas na pagyanig noong Pebrero ay magpapadala din ng 265 rescue workers at 1000 tents.

Ang iba pang mga bansa na nag-alok ng tulong aya ng Poland, Israel, Iraq, Jordan gayundin ang iba pang malalaking international organization gaya ng World Bank at International Monetray Fund.