Mas dumami pa ang mga bansang tumigil muna sa paggamit ng COVID-19 vaccine na gawa ng AstraZeneca mula sa United Kingdom.
Ito ay kahit na ipinaggigiitan ng World Health Organization (WHO) na ligtas ang nasabing bakuna at walang ebidensiya na nagkakaroon ng blood clot ang mga naturukan nito.
Ilan sa mga bansang pinakahuling tumigil sa paggamit ng bakuna ay ang Germany, France, Italy at Spain.
Nakatakdang magkaroon ng hiwalay na pagpupulong ang WHO at European Medicine Agency (EMA) para talakayin ang nasabing isyu.
Ang naturang hakbang ay dahil dumarami raw ang mga nagkakaroon ng blood clot matapos na sila ay mabakunahan.
Aabot na sa 17 milyon katao na sa European Union at sa United Kingdom ang naturukan ng COVID-19 vaccine.
Una rito, ang iba pang mga bansang tumigil sa paggamit ng AstraZeneca ay ang Denmark, Irish Republic, Norway, Bulgaria at Iceland.