Epektibo na ang pinakamalaking kasunduan ng malayang kalakalan sa mundo na Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Ang nasabing kasunduan ay siyang magtutulak sa para sa mga rehiyon na makabangon bilang post-pandemic recovery.
Ito ay kasunduan sa mga grupo ng 10 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) countries ganon din sa China, Japan, South Korea, Australia at New Zealand.
Inaasahan na ang RCEP ay mapapalakas ang investment flows at ang ekonomiya.
Sinabi naman ni ASEAN Secretary General Dato Lim Jock Hoi, ang kasunduan ay magbubukas ng oportunidad at mapapalawak ang regional trade and investments.
Nakasaad din kasi sa panuntunan ng RCEP na bawat bansa na miyembro ay itatrato ng pantay-pantay kung saan magbibigay din ang mga ito ng insentibo sa mga suppliers.
Base naman sa pag-aaral ng Asian Development Bank (ADB) na pagdating ng taong 2030 ay inaasahan na patataasin ng RCEP ang kita sa ekonomiy ng mga miyembro nila ng 0.6 percent na magbibigay ng 2.8 milyon na trabaho sa mga regional economy.