-- Advertisements --
GUN SALUTE 3

Nagbigay pugay ngayon ang royal army ng United Kingdom (UK) sa pagpanaw ni Her Majesty Queen Elizabeth II sa pamamagitan ng gun salute.

Isinagawa ang pagpapaputok ng mga kanyon (8PM Phil. time) sa iba’t ibang lugar ng Britanya sa pamamagitan ng 96 rounds na tig-10 segundo ang pagitan bilang pagkilala sa naging buhay ng reyna na pumanaw sa edad na 96-anyos.

Libu-libong katao naman ang nanood sa procession ng 71 mga kabayo na pumwesto Hyde Park sa central London para sa Queen’s Death Gun Salute at ilan pang lugar.

Gayundin naman ang tanawin sa bahagi ng parliament, ang 104 regiment Royal Artilelry sa Cardiff, sa Wellington waterfront, Buckingham Palace, Castle Cornet at iba pa.

Sinasabing ang ganitong tradisyon ay nagsimula noon pang 16th century.

Samantala maging ang Australian government, New Zealand, at mga bansa na nasa ilalim ng sovereign states ni Queen Elizabeth II ay nagsagawa rin ng 96-gun salute.

Ang House of Commons Chamber ay nagkaroon din naman ng espesyal na sesyon kung saan ang ilang mga lider sa pangunguna ni UK Prime Minister Liz Truss ay kabilang sa nagbigay ng tribute. Nagtalumpati rin naman sina dating PM Boris Johnson, Theresa May at ilan pang mga MP leaders.

Sa kabilang dako tumungo na rin ng London si King Charles III upang makipagkita bukas kay Truss na susundan ng kanyang gagawing talumpati.

GUN SALUTE QUEEN UK

Nakatakda rin siyang iproklama bilang bagong hari ng Accession Council sa St. Jame’s Palace.

Sa gabing iyon, ang mga MP ay manunumpa ng katapatan sa bagong monarko, na susundan naman ng proklamasyon ng Scottish, Welsh, at Northern Irish administration kinabukasan.

Habang pagsapit naman ng umaga ng ikatlong araw ay nakatakdang tumanggap ng motion of condolence sa Westminster Hall ang bagong monarko, at pagkatapos ay aalis sila para maglibot sa buong United Kingdom, dadalo ng services sa Edinburgh, Belfast at Cardiff bago sila muling bumalik sa London para sa mismong libig ni Queen Elizabeth II.

Sa ngayon ay wala pa namang itinakdang araw ng libing at aantayin ang pormal na anunsiyo mula kay King Charles.