Maraming mga bansa sa Africa ang nagsara ng kanilang mga airports at land borders para hindi agad makapasok ang mga tao mula sa ibang bansa.
Ang nasabing hakbang ay para hindi na madagdagan pa ang kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Dahil dito ay kanselado ang maraming international flights ang nakansela at mga paaralan ang isinara.
Pinagbawalan din ang mga mamamayan mula sa natamaan ng virus na pumasok sa kanilang bansa.
Isinara ng Sudan ang lahat ng mga sea ports para hindi na kumalat pa ang virus.
Aabot na kasi sa 347 na coronavirus cases ang naitala sa 27 African countries apat dito ang bansang Egypt, Algeria, South Africa at Morocco ang nagtala ng mahigit kalahati sa novel coronavirus cases.
Pitong katao na ang nasawi sa COVID-19 apat dito sa Algeria, dalawa sa Egypt at isa sa Morocco.