Kumalat na sa 18 African nations ang coronavirus o COVID-19.
Unang nagtala ng kaso ng COVID-19 ang Kenya, Ethiopia, Sudan at Guinea.
Karamihan sa mga naiulat sa nasabing mga bansa na nagpositibo ay galing sa mga ibang bansa.
Sinabi naman ni Kenyan Health Minister Mutahi Kagwe na ang unang kaso ay isang 27-anyos na Kenyan matapos na nagtungo ito sa London noong Marso 5.
Ang kaso naman sa Ethipia ay isang 48-anyos na Japanaes national na dumating sa Ethiopia noong March 4 habang ang unang kaso ng Guinea ay empleyado ng European Union (EU) delegation na nag-self-isolation.
May mga naitala na rin na suspected COVID-19 ang mga bansa gaya ng Morocco, Tunisia, Egypt, Algeria, Senegal, Togo, Cameroon, Burkina Faso, Democratic Republic of Congo, South Africa, Nigeria, Cote D’Ivoire, Gabon, Ghana, Guinea, Sudan, Kenya and Ethiopia.