Nagpapataw ngayon ng bagong mga parusa ang iba’t-ibang bansa sa buong mundo laban sa Russia dahil sa pagsalakay nito sa Ukraine.
Ang European Union, Japan, Australia, New Zealand, at Taiwan ay pare-parehong pinatawan ng bagong injunction ang Moscow, Russia bilang pagkondena sa naging paglusob ng militar nito.
Sinabi ni European Commission President Ursula von der Leyen at French president Emmanuel Macron na kabilang sa target ng kanilang mga ipapataw na sanction ay ang financial, energy, at transport sector ng Russia.
Kabilang naman ang freezing of assets ng ilang Russian individuals at financial institutions habang ipagbabawal din ang exporting sa Russia mula sa bansang Japan ayon kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida.
Ayon naman kay Australian Prime Minister Scott Morrison, nakikipagtulungan na rin ang kabisera ng Australia na Canberra sa Estados Unidos sa pagpapataw pa ng karagdagang kaparusahan sa mga oligarko.
Inanunsyo naman ng Prime Minister ng New Zealand na si Jacinda Ardern na puputulin na New Zealand ang pakikipagkalakalan nito sa Russia at magpapatupad ng travel bans laban sa Russian officials habang patuloy na nananawagan para sa pagbabalik ng diplomatic dialogue upang maresolba ang krisis na ito.
Habang hindi naman sinabi ng Taiwan ang ispesipikong mga hakbang ang ipapatupad nito sa pagpapataw ng economic saction laban sa Russia.
Sa bukod na hakbang ay naglabas din ang United States at United Kingdom ng mas marami pang measures laban sa Russia habang kinokondena naman ng mga leader nito ang naging aksyon ni Russian President Vladimir Putin.
Sinabi ni US President Joe Biden na kabilang sa mga bagong sanctions na ipinataw nito sa Russia ay ang export blocks sa teknolohiya, na siyang sentro ng diskarte ni Biden na sinabi niyang mahigpit na maglilimita sa kakayahan nito na isulong pa ang military at aerospace nito.
Layunin naman ng itinakdang parusa ng United Kingdom na i-exclude mula sa UK financial system ang Russian banks ayon kay British Prime Minister Boris Johnson.