-- Advertisements --
Amazon rainforest fire
Amazon rainforest/ IG post

Nagkaisa ng mga international leaders na dumalo sa G7 summit na magbigay ng tulong para maapula ang sunog sa Amazon rainforest.

Ayon kay French President Emmanuel Macron na napagkasunduan ng mga G7 countries na maglabas ng hanggang $22 million sa summit na isinagawa sa Biarritz, France.

Binubuo ito ng mga bansangn Canada, Germany, Italy, Japan, United Kingdom, U.S. at Canada.

Bagamat nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sina Brazil President Jair Bolsonaro at Macron dahil sa pangingialam nito sa kanilang bansa ay tinanggap naman ng environmental minister ng Brazil na si Ricardo Salles.

Magugunitang binabatikos ang Brazil dahil sa kawalan ng paraan para tuluyang maapula ang wildfire.