Dumarami na ang mga bansang nagpapatupad ng passes at vaccine passports.
Ang nasabing hakbang ay para makalabas ang isang tao sa pampublikong lugar.
Ang vaccine passports ay ang mga vaccination card ng isang taong bakunado na laban sa COVID-19 o ang COVID-19 negative test result.
Mula pa noong Marso ay naging unang bansa ang Denmark, Austria at Hungary na gumamit ng health passes sa pamamagitan ng papel man o sa digital form.
Sa Austria ay kailangan ng passes para makatungo ang isang tao sa restaurants, hotels at sports center habang sa Denmark ay ipinapatupad lamang ito sa hairdressers at mga sports centers.
Habang sa Hungary ay ipinapatupad ang immunity certificates na ibinigay sa kapag nabakunahan sa unang beses kaya maaring magtungo na sa mga restaurants, theaters, sports o music events.