-- Advertisements --
Umaabot na sa kabuuang 184 na bansa ang sumali sa COVAX facility na siyang tutulong para magpondo sa COVID-19 vaccine na ipapamigay sa mga mahihirap na bansa.
Sinabi ni World Health Organization (WHO) Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na ang pantay na pamamahagi ng bakuna ay siyang mabilis na paraan para mailigtas ang publiko.
Ilan sa mga bagong bansang sumali ay ang Ecuador at Uruguay.
Umaasa pa rin ang WHO na mapapabilis na ang paggawa ng mga bakuna hanggang sa katapusan ng taon.