Naniniwala ang isang mambabatas na bukod sa Pinoy medical specialist, mga maaari ring magsilbi ang mga banyagang espesyalista sa mga Overseas Filipino Workers Hospital.
Dahil dito, hinimok ni Camarines Sur Rep. Lray Villafuerte mga mga foreign national specialist na magbigay ng kanilang serbisyo.
Ayon kay Villafuerte, mayroong batas na pinagtibay ang Kamara na naguutos sa Department of Health na mag hire ng mga medical specialist.
Kabilang na rito ang Cardiologist, pulmonologist at Nephrologist na maaaring magbigay serbisyo sa mga OFW at kanilang mga pamilya na magtutungo sa itinalagang OFW hospital sa Pampanga.
Nakasaad rin aniya sa batas na maaaring imbitahan ang mga ekspertong banyaga para sa mga specialties na hindi pa available sa bansa.
Bukod dito ay maaari rin silang magpadala ng mga research personnel at medical institutes na sumasailalim pa sa kanilang pagsasanay.
- MARS: Nakipagpulong si National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kay United States ambassador to the Philippines MaryKay Clarkson.
Ito ay matapos na malugod na tinanggap ni Defense Secretary Teodoro si Clarkson sa kaniyang naging courtesy call sa tanggapan ng Department of National Defense.
Ang naturang pagpupulong ay sumentro sa renewed and positive momentum ng defense cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos kung saan binigyang pagkilala din ng United States envoy “transformative vision” at dedikasyon ni Sec. Teodoro upang mas mapabuti pa ang kapabilidad ng kagawarang kaniyang pinamumunuan.
Bukod dito ay tinalakay din ng dalawang opisyal ang kahalagahan ng pagbibigay prayoridad ng dalawang bansa na magfocus sa iba’t-ibang mga areas of cooperation tulad ng capability building, maritime security, at cybersecurity.
Samantala, nagpahayag naman ng hindi matatawarang suporta si United States ambassador to the Philippines MaryKay Clarkson sa posisyon at ipinaglalaban ng Pilipinas sa arbitral ruling sa West Philippine Sea , kasabay ng pangakong pagtataguyod sa international law at stability sa rehiyon.
Bilang panghuli ay nangako naman ang dalawang bansa ng mas malalim na kooperasyon, at mutual understanding, at pati na rin sa pagtataguyod ng peace and security sa Indo-Pacific region.