-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Kasabay ng pamamahagi ng allowance ng mga magigiting na Barangay Health Worker at BNS, tumanggap din ang mga ito ng bigas at karagdagang allowance mula sa lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato sa pangunguna ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr.

Ayon sa alkalde, hindi mababayaran ang serbisyong inialay ng mga ito sa gitna ng patuloy na hamon ng pandemya.

Maliban sa P1,000 may karagdagang P500 ang bawat isa at tig-iisang 25kl sako ng bigas.

Kung kaya, nagkaroon ng maliit na paraffle ang alkalde sa mga BHWs at BNS.

Kaugnay naman nito, ipinagmalaki ni VM Myra Dulay ang isang resolusyon na akda ni ABC President Evangeline Pascua-Guzman na may layuning mapataas ang natatanggap na allowances ng mga ito.

Matapos itong ibinalita, napuno ng palakpakan ang lugar na kung saan sinang-ayunan ito ng alkalde.

Samantala, nakisaya rin sa aktibidad sina Cons. Leah Saldivar, Cons. Fathma Guiabar, Cons. Raymundo Gracia, at Cons. Joel Martin na kung saan pinasalamatan ng mga ito ang serbisyo ng bawat isa.