CENTRAL MINDANAO- Masigla at puno ng ngiti ang 165 barangay workers sa bayan ng Aleosan matapos na tanggapin nila kanina ang kani-kanilang mga honorarium mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.
Ayon kay Bong Obrero ng IPHO-Cotabato na umabot sa P634, 000 ang kabuuang halaga ng cash assistance ang ipinamahagi ng mga kawani ng Provincial Treasury Office (PTO) kung saan tig P4, 200 ang tinanggap ng bawat isang Barangay Health Worker (BHW) at Barangay Nutrition Scholar(BNS) habang ang bawat Daycare Worker ay tumanggap ng tig P3,000. 00.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Aleosan Mayor Vicente Sorupia Jr ang pamahalaang panlalawigan partikular si Governor Nancy Catamco dahil sa pagkilala sa kahanga hangang pagseserbisyo at malaking papel na ginagampanan ng mga barangay workers sa pagsisilbi sa komunindad.
Matamis na ngiti at taos pusong pagpapasalamat naman ang ipinaabot ni Daycare worker Edith Lopez ng Barangay New Leon kay Governor Catamco sa tulong pinansyal sa kanila na aniya’y malaking tulong lalo ngayong panahon ng pandemya kasabay ng pangako na mas pag iibayuhin pa ang pagtuturo sa mga bata sa kanyang barangay.