-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Umakyat pa sa 651 na mga alagang baboy ang nadepopulate o isinailalim sa culling matapos magpositibo sa African Swine Fever o ASF sa apat na mga Barangay sa Kidapawan City.

Ito ang kinumpirma ni City Veterinarian Dr. Eugene Gornez matapos makapagtala na rin ng kaso ng sakit sa Barangay Sikitan ng nabanggit na lungsod.

Apektado na sa ngayong ang nasa 124 na mga hog raisers na ang apektado mula sa mga Barangay Gayola, Linangkob, Sikitan at Muaan kung saan aabot na sa higit 3Million pesos ang danyos kung P5,000 ang halaga ng bawat baboy na isinailalim sa culling activity.

Ilan sa mga iniimbestigahan ng City VET o posibleng dahilan ng pagkalat ng virus sa kalapit na lugar ay may mga baboy anyang itinakas bago ang pagsasagawa ng depopulation, maging ang pagkatay at pagkain ng mga may sakit na na mga alagang baboy.

Dahil dito, nananawagan ito sa lahat ng hog owners sa lungsod na agarang i-report sa kanilang tanggapan kung makitaan ng sintomas ng virus ang kanilang mga alagang baboy.

Samantala, pinahihintulutan namang makapasok ang mga buhay na baboy sa lungsod kung galing ito sa lugar na wala pang kaso ng ASF.

Tiniyak din nitong ligtas at isinailalim sa inspection at monitoring ang ibenebentang lechon sa Kidapawan City.