Kinasuhan na ang tatlong barangay officials ng Gagalangin, Tondo sa Maynila na siyang nasa likod umano ng pagpapa-boksing.
Ayon sa Manila Police District, kinilala ang mga kinasuhan sina Barangay 182 kagawad Arnel Saens, ang anak nitong si Vincent at asawa ng barangay secretary na si Laurence Bindoy.
Sila kasi ang itinurong pasimuno raw sa nag-viral na video ng pagpapa-boxing sa nasabing barangay.
Sinabi naman ni MPD director Brig. Gen. Leo Francisco na kabilang na sinampahan ang mga magulang na nagsusuntukan na isang 18-anyos at 16-anyos dahil sa paglabag sa ordinansa.
Inaalam pa ng MPD ang ilang sangkot na mga audience na nasa viral video.
Magugunitang nag-viral ang video nang magsuntukan ang dalawa kung saan maraming mga nanood ng walang suot na face mask at hindi rin nasunod ang health protocols.