KORONADAL CITY – Nasa higit 20 pamilya mula sa dalawang bayan sa probinsiya ng North Cotabato ang apektado ng baha dahil sap ag-apaw ng Pulangi river.
Ayon kay Engr. Arnulfo Villaruz, chief for operations ng PDRRMO North Cotabato, bagaman hindi direktang tinamaan ng nagdaang bagyo ang probinsya ay patuloy naman na nakararanas ng maulan na panahon na naging dahilan ng pag-apaw ng Kabacan river at Pulangi river.
Ang mga apektadong pamilya ay mula sa Pikit na humigit kumulang 19 libong pamilya habang nasa halos 2000 naman mula sa bayan ng Kabacan.
Agad naman na nagpaabot ng tulong ang bawat LGU sa mga apektadong residente.
Sa ngayon, patuloy ang panawagan ng PDRRMO North Cotabato sa mga residente na nakatira sa gilid ng ilog na mag-ingat at maging vigilante dahil inaasahan na makakaranas ng La nina phenomenon ang bansa hanggang sa susunod na taon.