KORONADAL CITY – Ipinasiguro sa ngayon ng Police Regional Officer 12 na nakatutok na pulisya sa ibat-ibang lugar sa apat na mga probinsiya sa region 12 na inilagay sa areas of immediate concern o orange category kaugnay sa isasagawang Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa darating na Oktubre 30,2023.
Ito ang inihayag ni PBGen. Jimili Macaraeg, Regional Director ng PRO-12 sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay General Macaraeg, ilan sa mga lugar ay ang mga barangay mula sa mga probinsiya ng South Cotabato, North Cotabato, Sultan Kudarat at Saranggani province.
Ang nasabing mga probinsiya ay may mga barangay na may naitalang mga election related violence, presensiya ng mga rebeldeng NPA, armed groups at iba pang lawless groups na kanilang tinututukan sa ngayon.
Sa katunayan, nakapagdeploy na ng karagdagang mga pwersa ang pulisya sa mga delikadong lugar at nakikipag-ugnayan na rin sa Armed Forces of the Philippines.
Sa ngayon, nananawagan ang pulisya sa komunidad na makipagtulungan sa kanilang panig lalo na araw ng eleksiyon upang mapasiguro ang kaligtasan ng lahat at maging matiwasay na matapos ang halalan.