-- Advertisements --

ILOILO CITY – Magbibigay ng pabuya ang Iloilo City Government sa mga barangay sa lungsod na hindi makapagtala ng COVID-19 cases sa buwan ng Disyembre.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na P50,000 ang cash incentive na ibibigay.

Ayon sa alkalde, inspirasyon ito sa 180 na mga barangay sa lungsod upang maprotektahan ang kani-kanilang mga lugar laban sa COVID-19 transmission.

Maaari ring gamitin ang P50,000 bilang assistance para ma-maximize ang COVID-19 response.

Makikipagtulungan ang Iloilo City Government sa Department of Health upang maverify ang tallied zero COVID-19 cases sa bawat barangay sa holiday season.

Napag-alaman na 109 sa 180 na mga barangay sa lungsod ang may recorded na COVID-19 cases.