-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tumanmggap na ng kani-kanilang Christmas Cash Gifts ang mga barangay officials and workers ng lungsod mula sa City Government of Kidapawan.

Nakapaloob sa Appropriation Ordinance number 21-12 na naglalaman ng Supplemental Budget #6 na nilagdaan ni City Mayor Joseph Evangelista nitong December 9, 2021 ang mga pamaskong regalo o benepisyo ng City Government.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Evangelista na ang cash gifts ay bilang pasasalamat sa mga barangay officials and workers sa kanilang pagsuporta sa matagumpay na programa ng City Government ngayong taon.

Binigyang-diin ng alkalde ang kampanya laban sa COVID-19 kung saan ay patuloy ang pagbaba ng kaso sa lungsod.

Sinimulang ibigay ang pamasko para sa mga opisyal at kawani ng barangay kahapon, December 10, 2021 sa Mega Tent ng City Hall.

Mga barangay workers gaya ng BHW’s, BPAT, at iba pa pati na mga kasapi ng Lupong Tagamapayapa ang nakatanggap ng cash gift na Php 2,000- Php 2,500 mula sa City Government.

Maliban sa cash gift ay may libreng tanghalian, meryenda sa hapon na ipinamahagi ang Lokal na Pamahalaan sa mga empleyado.

Sisikapin ng City Government of Kidapawan na maibigay ang lahat ng cash gifts bago pa man ang December 24 at 31 maging sa mga araw ng Sabado, Linggo at Holidays ay magpapatuloy ang pamimigay ng cash gifts.