CAUAYAN CITY- Nakarekober ang mga kasapi ng 84th Infantry Battalion Phil. Army ng iba’t ibang baril at bala habang nagsasagawa ng combat operations sa Brgy Lipuga, Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya
Kabilang sa mga narekober ng tropa ng 84th IB Charlie Company sa pangunguna ng 1st LT Edmar Inte at 2nd Lt Jayson Vista ng dalawang Bushmaster M16 Rifle; isang Colt M16 Rifle; 614 na mga cartridge ng 5.56mm ; 21 Cartridge ng 7.62mm ; 11 5.56mm long magazine assembly steel walong short 5.56mm magazine assembly steel at 3 bandoleer.
Ang mga war material ay dadalhin sa 84th IB Headquarter sa Sitio Junior Campo, Brgy. Sto Niño 2nd, San Jose City, Nueva Ecija para sa dokumentasyon at disposisyon.
Sinabi ng Commander ng 703rd Infantry Brigade, Philippine Army na si Colonel Joseph Norwin Pasamonte na ang pagbawi ng mga war material sa Nueva Vizcaya ay isang malaking kawalan sa firepower ng Communist Terrorist Group na magiging dahilan ng kanilang pagkakabuwag sa susunod na mga buwan.
Samantala, pinuri ni 7th ID Commander Major Gen. Andrew Costelo ang matagumpay na operasyon ng tropa ng 84th IB at sinabing malaki ang pagbaba ng bilang ng mga miyembro ng Communist Terrorist Group sa Nueva Vizcaya dahil sa aktibong suporta ng komunidad sa gobyerno at kampanya upang wakasan ang lokal na armadong labanan ng komunista sa kanilang mga lugar.