-- Advertisements --
Nadiskubre ng mga tauhan ng Department of Justice ang ilang mga piraso ng baril, silencer, tasers at mga pera ng buksan nila ang mga nakumpiskang bolts sa sinalakay nilang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa lungsod ng Pasay.
Ang nasabing POGO hub ay sinalakay ng mga otoridad noong Agosto 1 kung saan mahigit 600 katao ang kanilang naaresto.
Sinabi ni DOJ Assistant Secretary Mico Clavano na ang mga nadiskubre nila sa mga vaults ay nagpapakita na may iligal na aktibidad ang mga nagpapatakbo ng POGO.
Nasa 32 na mga vault na mula sa mga POGO hub ang nakumpiska na ng mga otoridad at kanila na itong iniisang-buksan.
Pinag-aaralan na rin ng mga otoridad ang kasong isasampa laban sa mga operators ng POGO.